Total Pageviews

Friday, April 22, 2011

I MISS U PAPA !


Naalala ku lan c papa kaya ko sinulat to.

       Naaalala ko yung ' Happy Family ' pa kami. SPOILEDBRAT pa ako nun na parang nag-iisang anak. Bigay luh, lahat ng hilingin ko binibigay  nila mama at papa . Hanggang sa nag-abroad c papa. Natukso at sumakabilang bahay. Nasaktan kaming lahat. Yun happy family naging BROKEN FAMILY. Ilang beses syang pinatawad ni mama, pero ilang beses nya ring inulit-ulit ung mga ginagawa nia. Hanggang sa natauhan na si mama Pinabayaan at hinawalayan nya na si papa.. Aminado kaming lahat na naging maganda ang buhay namin noon. Ngunit ayaw din naming masaktan si mama kaya pumayag na kaming maghiwalay si mama at papa. Inisip na lang namin na napagod na siguro si mama. Pero nag-iwan ng bakas si papa. Buntis si mama nung iniwan nya. Natupad yung pinapangarap nilang magkaroon ng lalaking anak, Bunsong lalake. Magiging masaya na sana kaso huli na. Hiwalay na sila mama at papa, wala na rin si papa. Pero bilib ako kay mama nabuhay nya kaming mga anak nya ng sya lang mag-isa. Namimiss ko si papa yun ang totoo. Sinungaling naman ako pag sinabi kong hindi. Pero wala kaming magagawa nangyari na. Nung una wala kaming balita kay papa. Hanggang sa nagkita-kita kami ng mga kamag-anak namin sa side ni papa, Nalaman namin na nagpakasal na pala si papa at meron na silang baby girl. Isang Nursing Student pa noon yung pinakasalan ni papa. Bata pa, Kaidaran ko lang ngayon. DISI OTCHO ANYOS. Nalaman din namin na na-stroke si papa. Parang biglang kinurot yung puso ko. Gusto ko sya makita nung mga oras na yun. Kinuha ko yung contact number nila ng asawa nya. Di ako nabigo, Nagreply si papa at nakipagkita ako sa kanya. Sabi nya nasa pangasinan daw sya at dun pa sya manggagaling pero nagtaka ako dahil ang bilis nyang nkarating sa lugar na pinagusapan namin. Sa isang branch kami ng JOLLIBEE magkikita. Pag dating dun pumasok ako pero di ko sya makita. Hanggang sa isang lalaki ang lumapit sa akin, kalbo at medyo payat. Si papa ! Naiyak akong bigla na tila walang tao sa aming paligid. naaawa ako sa kanya. Ika-ika sya maglakad. Paralize na pala yung left side ng katawan. Niyakap ako ni papa. Tinigil ko yung pagiyak ko nung naalala kong nasa fast food resto pala kami. Kumain muna kami at nagkwentuhan ng kaunti. Gusto ko pa sana makasama si papa ng magtagal kaso nagyayaya na sya umuwi dahil may nag-aantay daw sa kanya. Di ko matiis at nagtanung ako sa kanya kung pano sya makakauwi ng ganun ang sitwasyon nya. Sabi nya kaya naman daw nya. Iba ang pinaalam ko kay mama nung umalis ako sa bahay dahil alam kong di nia ako papayagan pag nalaman nyang makikipagkita ako kay papa. Alam kong malaki pa rin ang galit ni mama kay papa kahit ilang taong ng nakalipas. Habang nasa byahe kami ni papa papunta sa inuupahan nila ng asawa nya tinititigan ko si papa. Sobrang nakakaawa.  Ayokong makita nya akong kinaaawaan sya. Ayokong isipin na tumalab ang karma sa kanya pero yun ang totoo. Kinarama si papa sa ginawa nya kay mama. Nang makarating kami sa inuupahan nila lalo akong naawa kay papa. Isang kwarto sa isang building boarding house ung inuupahan nila. Nasa ikatlong palapag pa yung kwartong inuupahan nila. matagal tagal rin bago kami nkaakyat dahil nga sa kapansanan ni papa. Hanggang sa makarating kami sa aming pupuntahan. Kinatok ni papa ang isang kwartong maliit at tila tamang tama lamang para sa dalawang tao. Isang maliit,payat, mahaba ang buhok at kulot na babae ang nagbukas sa amin ng pinto. Pinakilala sya ni papa. Sya daw yung asawa nya. Alam kong alam nya na anak ako ni papa pero maayos nya akong tinanggap. Pumasok ako at tiningnan kung anong nasa loob.  May nakita akong litratong  nasa dingding ng isang batang babae Anak siguro ni papa yung batang yun sa babaeng yun. Kamukang kamuka nya yung bunso kong kapatid na lalake. Pero nagtataka ako kung bakit wala yung batang iyon sa bahay na yon. Tinanong ko si papa. Ang sabi nya nasa pangasinan daw. Andito lamang daw silang mag-asawa dahil nagaaral yung asawa nya. Sabi ni papa, minsan daw isasama nya ako sa pangasinan para daw makita yung bahay nila doon at yung anak nila. Pero kinausap nya ako ng masinsinan. Pag sinama daw nya ako doon di daw nya ako pwedeng ipakilalang anak nya. Ipapakilala daw nya akong pamangkin nya. Nasaktan ako pero wala akong magawa. Gusto ko makasama si papa at alam kong yun lang ang paraan kaya pumayag ako. Nagkwentuhan pa kami ng kaunti ay sinabi kong uuwi na ako dahil baka gabihin ako. Hinatid ako ni papa sa sakayan at pagsakay ko kusang tumulo ang mga luha ko. Para akong tanga nung araw na yun. Ilng beses kasi akong umiyak sa harap ng maraming tao. Pero di ako nagsisi dahil nalaman kong kahit ganun ang sitwasyon ni papa nasa maayos syang kalagayan. Hindi ako nagsisi kasi nakita ko si papa at masaya ako nun Hindi ko makakalimutan yung araw na yun  dahil naging msaya ako at nakasama ko si papa kahit sandali lang :)

Thursday, April 21, 2011






Mahirap magtago ng nararamdaman.

Dahil mahirap ngumiti ng nasasaktan :(

Wednesday, April 20, 2011

sample




Ako c mhaye isang simpleng babaeng naghahangad ng isang maayos na relasyon, ngunit parang pinagkakait ng panginoon itong simpleng hinihiling ko. Marami na akong napagdaanan, ngunit parang ndi ako matuto-tuto sa mga mapapait na karanasan. Pilit na inuulit ulit ung mga pangyayaring pilit ko ring kinakalimutan. Para akong laging tinutulak sa kumunoy, gusto kong umahon pero di ko kayang umahon  mag-isa. May dadaan man,pero parang di ako nakikita o nakikita man ako pero ayaw ako tulungan. Mahirap lumimot mag-isa. Nakakatakot,Di ku alam kung san ako mapapadpad. Di ku alam kung sino-sino ang pwede ko makasalamuha. Sa pagkakataong itosusubukan ku pa rin makaahon sa pagkakalunod. Magiging msaya din ako katulad ng iba. Makakahanap din ako ng kaligayahan ko sa ibang tao tulad ng nagawa nila.


                                                                                                               eyahm.xv